Tuesday, December 2, 2008

"Kung gusto, madaming paraan. Kung ayaw, madaming dahilan."

"Kung gusto, madaming paraan. Kung ayaw, madaming dahilan."

This is very much true. Madalas ko nalang isipin kung ano bang meron sa akin kung bakit ayaw nya ako makita; kung anong wala sa akin na meron sa mga ibang babae na nakilala nya. Oo, hindi ako maganda. Oo, hindi ako sexy. Oo, hindi ako matangkad. Oo, napakapangit ko. Oo, napakataba ko. Oo, napakapandak ko. Oo, siopao mukha ko. Oo, malaki at pango ilong ko. Oo, hindi pang beauty queen itsura ko, para sa panget-queen lang.
Pinapagalitan nya ako pag minamaliit ko sarili ko. pero sinasabi ko lang naman ung katotohanan. Wala pa siguro ako sa kalingkingan ng mga naging girlfriend nya noon. Malaking bagay sa isang relasyon ang panglabas na anyo ng isang tao. subalit ang sabi ng iba, kumukupas din ang ganda. Hindi. ang ganda ay isang katangiang natural sa isang babae. Ang itsura ay natural at naipapasa sa mga susunod na henerasyon.
Bakit nga ba nya ako minamahal? Kung mahal nya ako ng lubos at tunay, gugustuhin din nya na kahit sandali ay makita nya ako at mahawakan ang aking mga kamay. kung totoong "miss" nya ako, pipiliin nya na kahit isang araw ay makasama nya ako. apat na taon na hindi kami ngkita. apat na taon din na hindi ko nadinig ang tinig nya kahit sa telepono. Kung maswertehan nga ako ay tawa lang nya ang aking maririnig.
Madaming tanong sa isip ko na walang tiyak na sagot. Madami ang bumabagabag sa isipan ko na nakakaapekto sa aking pananaw sa buhay. Madaming beses kong naisip na kitilin ang aking sariling buhay. Madaming beses kong naisip na wala akong kwenta. Pero madalas din sumagi sa isip ko "buti pa ako kahit pano may matitirhan, may napagaralan, may mapagkukunan ng panggastos araw araw kumpara sa mga kapwa ko pinoy na kapos sa buhay."
Pagod na akong umiyak. pagod na akong magisip. Mapapagod din kaya akong magmahal?

No comments: